Email us at trisports.solutions@gmail.com

Be social with us

Halina’t makilahok sa Pista’y Dayat!

Photo from: Capitol Press Release, April 26, 2016 http://pbusa1.com/2016/04/26/pistay-dayat-2016-opens/

by Gale Tamon

Tuwing Mayo, ipinagdiriwang ng Lingayen, Pangasinan, bilang pasasalamat sa mga yamang dagat na pinagkaloob sa kanila, ang Pista’y Dayat. Kada taon, maraming mga aktibidad at tradisyon ang ipinagdiriwiang ng probinsya, tulad ng paghihirang sa Limgas ng Pangasinan at ang inaabangang Banca Parada sa Limahong Channel sa ilog ng Agno. May ilan ding mga makabagong tradisyon katulad ng sportsfest, variety shows, sandscaping, trade and tourism fair, at marami pang iba. Naging isa sa pinakatanyag na pagdiriwang ang Pista’y Dayat, hindi lamang sa Pangasinan, kundi sa buong Pilipinas.

Hindi lamang yan, kadalasan, nagtatapos ang Pista sa isang communal clean-up, upang bigyang diin ang responsibilidad ng comunidad sa kalikasan, habang ito ay patuloy na nagbibigay buhay at hanap-buhay. Dahil dito, ngayong 2019, inihahandog sa inyo ng munisipyo ng Lingayen, Pangasinan at ng Trisports Solutions Inc. ang Neptune Actives’ Tigasin Open Water Challenge sa May 4 at Tigasin Triathlon sa May 5 bilang bahagi ng Pista’y Dayat! Nabibilang ang mga ito sa mga pagdiriwang upang ipagbunyi, hindi lamang ang karagatan, kundi pati na rin ang buong kalikasan, habang binibigyan daan ang mga manlalaro na makita ang angking kagandahan ng probinsya.

Extended ang regular registration hanggang ika-10 ng Abril, kaya’t halina’t lumahok sa Tagisan ng mga TIGASIN at tumulong sa pananatili ng kagandahan ng ating kalikasan, kasama ang inyong mga kapamilya, kaibigan, at team mates! Register na sa http://bit.ly/tigasin2019

____________________________________________________________

Gale Tamon is a Marketing Officer of Trisports Solutions Inc.

Share the Story

Back to Top